MATAPOS masilo si Delfin Lee, isa sa Big 5 most wanted pesons sa bansa, pinaigting pa ng pambansang pulisya ang kanilang pagtugis sa apat pang iba.
Tiniyak ng “PNP Task Force Tugis” na ginagawa na nila ang lahat ng makakaya para maaresto ang apat na natitira sa listahan.
Ayon kay PNP Task Force Tugis Chief S/Supt. Conrad Capa, matapos ang pag-aresto kay Delfin Lee, noong nakaraang Huwebes, nakatutok naman sila ngayon sa pagtugis sa apat pang iba na sina retired General Jovito Palparan, dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes at dating Dinagat Island Congressman Ruben Ecleo Jr.
May nakalaan na pabuyang tig-P2 milyon para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng apat.
Samantala, wala pang pinipirmahang dokumento si PNP Chief Police Director General Alan Purisima hinggil sa pagkakatanggal sa pangalan ni Delfin Lee sa Big Five most wanted persons sa buong bansa.
Una rito, sumulat ang kampo ni Lee sa PNP at hiniling ang pagkakatanggal sa pangalan nito sa listahan ng Big five.
The post Manhunt vs ‘Big 4′ pinaigting pa appeared first on Remate.