BAGO inumpisahan ang Game 2 ay pinarangalan si Alyssa Valdez ng Ateneo Lady Eagles bilang Most Valuable Player (MVP), Best Scorer at Best Server habang ang kakampi nitong si Denden Lazaro ang Best receiver at Best Digger sa nagaganap na 76th UAAP women’s volleyball tournament kanina sa Araneta Coliseum.
Kasama rin sa mga binigyan ng parangal ang magkapatid na Dindin at Jaja Santiago ng National University Lady Bulldogs.
Nakuha ni Dindin ang Best Attacker habang si Jaja ang Rookie of the Year subalit wala sila sa venue ng laro para kunin ang kanilang premyo.
Noong Huwebes namatay ang ama nina Dindin at Jaja.
Napunta naman ang Best Setter kay Kim Fajardo ng DLSU habang Best Blocker si Katherine Bersola ng University of the Philippines Lady Maroons.
The post Valdez, humakot sa UAAP volleyball appeared first on Remate.