HINIKAYAT ng mga lider ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- National Secretariat for Social Action, Justice and Peace (NASSA) ang mga Katoliko na makiisa sa kanilang Alay Kapwa (AK) campaign na sisimulan ngayong Linggo kasabay ng pormal na pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.
Ayon sa CBCP-NASSA, layunin ng Alay Kapwa na matulungan ang mga biktima ng kalamidad, mga magsasaka at katutubo na naghahanap ng hustisya.
Nabatid na parte ng koleksyon sa mga Diocese ay ibinibigay sa AK program kada taon.
Ito’y nagsisilbing “solidarity fund” na nagagamit sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ng NASSA na aabot sa P7.9 milyon ang nagastos para sa 36,000 pamilya sa mga apektadong dioceses dalawang linggo matapos ang pananalasa ng Yolanda.
The post ‘Alay Kapwa’ campaign ng CBCP lalarga sa Linggo appeared first on Remate.