Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Manila Cathedral pinabubuksan sa Semana Santa

$
0
0

NAIS ng Simbahang Katoliko na mabuksang muli sa publiko ang Manila Cathedral sa Semana Santa sa susunod na buwan.

Ayon kay Monsignor Nestor Cerbo, rector ng Manila Cathedral o Basilica of the Immaculate Conception, nais nilang buksan muli ang simbahan sa Linggo ng Palaspas o Abril 13.

“As much as possible, we want it opened by Holy Week,” aniya.

Gayunman, aminado ito na wala pang kasiguruhan ang pagbubukas ng makasaysayang simbahan dahil hindi pa tiyak kung matatapos na sa naturang petsa ang pagkukumpuni rito.

Aniya, wala pang dinadalang assessment ang project manager para sa repair and restoration nito.

Una nang inasahan ang pagbubukas ng simbahan noong Disyembre matapos na ianunsyo ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngunit hindi ito natuloy.

Tinangka na rin itong buksan sa Marso 25 ngunit may nakita pa umanong ilang bahagi nito na may pinsala at kailangan pang kumpunihin.

Umabot na sa P120 milyon na ang ginagastos ng Simbahang Katoliko para sa pagpapaayos ng 50-anyos na Manila Cathedral.

Matatandaang isinarado ang Manila Cathedral sa Intramuros, Manila noong Pebrero 2012 o mahigit dalawang taon na ang nakalilipas upang isailalim sa pagkukumpuni para na rin sa kaligtasan ng mga Katolikong nagsisimba dito.

The post Manila Cathedral pinabubuksan sa Semana Santa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>