UMABOT sa pitong katao ang nadamba ng mga pulis na mga sangkot sa holdapan at iligal na droga sa Valenzuela City, Sabado ng madaling-araw, Marso 8.
Kinilala ni Senior Supt., Rhodrick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, ang mga suspek na sina Mar Soccoro; Jomar Morales, kapwa ng San Miguel St., Balubaran; Eduardo Boiser ng Jeremias St., Karuhatan mga nasa hustong gulang at mga miyembro ng Bonifacio Group ng Malinta Area pawang ng lungsod na mga sangkot sa holdapan at droga.
Sangkot naman sa droga sina Rogelio Quitzon, ng Malanday; Razel Santos, ng Dalandanan; Raul Remi at Jayson Mendoza, kapwa ng Malinta ng nasabing lungsod.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon si Armamento hinggil sa masamang gawain ng mga suspek na naging dahilan upang magsagawa ng operasyon alas-2 ng madaling-araw sa Maysan at Balubaran kapwa ng lungsod na naging dahilan upang madakip ang mga miyembro ng Bonifacio Group kung saan nakuhanan ng mga droga, baril, wig, pekeng P1,000 na gamit sa iligal na gawain.
Isinunod naman ng mga pulis na nadakip sina Quitzon sa kani-kanilang lugar kung saan nakuhanan ng mga sachet ng shabu na naging dahilan upang iselda ang mga suspek.
The post 7 sangkot sa holdapan at droga dakip sa Valenzuela appeared first on Remate.