NAUDLOT ang plano ng pamahalaan na isulong ang EDSA rehabilitation.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III na pag-aralan muna ang EDSA rehabilitation plan bago ikasa.
“The implementation is pending until further studies are completed,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sabay sabing “President Aquino instructed further study of the EDSA rehabilitation plan, including additional measures to mitigate inconvenience to motorists.”
Magsasanib puwersa naman ang DPWH at MMDA sa gagawing pag-aaral sa EDSA rehabilitation plan.
Wala namang deadline na ibinigay para sa mga ito.
Nauna rito, humingi ng pag-unawa ang DPWH sa publiko kaugnay sa mararanasang buhol-buhol na trapiko sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) simula sa Mayo.
Ani DPWH Secretary Rogelio Singson na ang sinasabing inconvenience mula sa matinding trapiko ay panandalian lamang kumpara sa long-term benefits ng napagandang 23-km highway.