WALANG panahon ang Malakanyang na patulan ang parinig ni Senador Alan Peter Cayetano na balak nitong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016 election.
Si Cayetano ay kapartido ni Pangulong Benigno Aquino III sa Liberal Party (LP).
Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., nakalaan ang 848 araw ni Pangulong Aquino sa pagpapatupad ng mahahalagang programa sa reporma ng Philippine Development Plan.
Ang pagdeklara aniya ng magiging kandidato ay karapatan ng mga may kwalipikasyon na maghangad na mahalal sa posisyong pampubliko at hindi aniya iyon kasama sa kasalukuyang programa ng pagtatrabaho ng kasalukuyang administrasyon.
Binigyang diin ng opisyal na hindi nila kailanman pinag-usapan ang ambisyong ito ni Senador Cayetano.
Nauna rito, binasura ni Senator Cayetano ang planong pagtakbo bilang bise-presidente sa taong 2016.
Para sa senador, hindi na kailangan pang gumamit ng stepping stone para sa pagka-pangulo.
The post Malakanyang dedma sa parinig ni Sen. Cayetano appeared first on Remate.