AABOT sa 54 na madadayang timbangan ang kinumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Treasurer’s Office sa isinagawang operasyon sa Balintawak Market kaninang umaga, Marso 6, 2014.
Ipinag-utos ni QC Treasurer Ed Villanueva ang paghuli sa mga madadayang timbangan sa Balintawak Market sa EDSA, QC dakong alas-9:00 ng umaga matapos makatanggap ng mga reklamo sa mga mamimili.
Sinabi ni Villanueva sa naturang operasyon na nakumpiska ang may 54 madadayang timbangan na karamihan ay walang selyo.
Ayon kay Mr. Arvin Philip Gotladera, hepe ng Weights and Measures Unit ng QC Treasurer’s Office, ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police Treasurer office at Inspection & Examination Division.
Pagmumultahin ng P500 ang mga may-ari ng madayang timbangan at karagdagang P500 para sa walang selyo ng QC Treasurer’s office.
The post 54 madadayang timbangan kinumpiska sa QC appeared first on Remate.