KALABOSO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng mga magulang ng mga na-recruit ng mga una sa kanilang fraternity sa Valenzuela City Miyerkules ng hapon, Marso 5.
Nahaharap sa kasong obstruction of justice si Archemedes Pangandoyong, 55, habang physical injuries in relation to child abuse naman ang ikinaso kina Regan Buen, 18 at Mario Reyes, 19, pawang ng Displina Village ng lungsod.
Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang mga pulis sa nasabing lugar mula sa mga magulang ng mga biktimang edad 11 hanggang 14 na na-irecruit nina Buen at Reyes sa San Francisco-Novaliches Gang.
Sumailalim sa hazing ang mga biktima kung saan nakitaan ng mga paso ng sigarilyo sa mga braso at palo sa mga magkabilang hita.
Dahil dito, alas-4 ng hapon ay pinuntuhan ng mga pulis upang dakpin sina Buen subalit pilit na hinarang ni Pangandoyong ang mga una na naging dahilan upang isama sa presinto kasama sina Reyes at sampahan ng mga nasabing kaso.
Nabatid pa sa mga biktima na pilit silang pinagagamit ng marijuana at pinasasali sa rambulan nina Buen.
The post 3 dakip sa pagre-recruit ng mga totoy sa fraternity appeared first on Remate.