PINALAGAN ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza ang panukalang pagsasapribado sa government hospitals dahil hindi aniya ito makabubuti sa nakararaming Pinoy.
Sa halip aniyang isapribado ay dapat pa ngang tustusan ng gobyerno ang pangangailangan upang maisaayos ang mga pampublikong ospital.
Sinabi ito ni Atienza sa kanyang interpelasyon sa plenary ng Kamara kasunod ng talumpati ni Gabriela Party list Rep. Emmie de Jesus na pangunahing kumokondena sa hakbanging ito ang administrasyong Aquino.
Ang nangyayari aniya ayon kay Atienza ay “ang pera sa National, pero ang sisi ay sa Lokal.”
The post Hospital privatization kinondena sa Kamara appeared first on Remate.