Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Emergency plan ipinalalatag vs Chinese invasion

$
0
0

KINALAMPAG ni Iloilo Rep. Jerry Treñas ang gobyerno na ilatag na sa lalong madaling panahon ang national emergency plan bilang paghahanda sakaling mag-ala-Russia ang China sa Pilipinas dahil sa sigalot sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ng kongresista na kung gagayahin ng China ang Russia tulad ng ginawa na pagpasok sa Crimean Peninsula sa Ukraine ay walang magagawa ang Pilipinas.

Ang plano ayon kay Treñas ay dapat kinabibilangan ng mga hakbang at tugon o response kung sakaling magkaroon man ng invasion o pag-atake at mauwi sa giyera.

Isa aniyang hakbang ay ang pagbuo ng community-based “disaster response” units ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na pakikilusin sa sandaling magkaroon ng emergency kabilang na ang posibilidad nang mass evacuation.

Kailangan din na magkaroon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Reserve Command ng imbentaryo at handang reserve forces na madaling ipakalat kapag kailangan.

Dapat din aniyang magsagawa ang AFP at NDRRMC ng drills at simulation exercises para ma-upgrade ang level of preparedness ng bansa kapag nagkaroon ng sitwasyon kabilang na ang pakikipaglaban sa ibang bansa.

The post Emergency plan ipinalalatag vs Chinese invasion appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>