NEWLY single? As in kahihiwalay lang? And now, gusto n’yo nang kalimutan ang pangyayaring iyon at may nakilala kayong bago, kaya lang ay katulad n’yo ang kanilang sitwasyon. Ang nangyayari, pareho kayong takot na magtiwala at kung papaano pakikiharapan ito.
Well, siguro dapat n’yong malaman na may “rule” na rin in dating na makatutulong sa inyo.
Ayon nga kay Lisa Daily, author ng Stop Getting Dumped! “Huwag isipin na kayo ay damaged good matapos ang hiwalayan, huwag din i-torture ang bagong kakilala na baka katulad sila ng hiniwalayan n’yo.
In short, para hindi maging tamang hinala sa sinomang sasamahan sa pakikipag-date, narito ang ilang babala sa inyo.
SILANG KAHIHIWALAY LANG DIN–––Malalaman n’yong kahihiwalay lang din ng lalaki sa kanilang minamahal kapag nakikitaan pa sila ng galit. Tulad ng pagsasabing, niloko sila ng kanilang asawa o karelasyon, pinerahan lang sila o kung ano-ano pa. Para hindi kayo matakot na mahalin sila o subuking gustuhin sila, know their weakness. Ang gusto lang naman nila ay tiyak na silang honest at mapagkakatiwalaan, kaya bakit hindi mo ibigay ang nais nila.
EX NI BESTFRIEND–––Madalas na nangyayari, kung sino pa ang ex ng iyong bestfriend, sila pa ang nagiging instant date n’yo after a heartache. Kaya ang dapat gawin, be friendly! Staying friendly after a breakup ay malaking tulong upang maging at ease ang pagsasama kahit na ba sabihin bang simple date pa lang ang nangyayari sa inyo.
THE PLAYER–––Madalas, sila ang tipo ng taong kapag nasaktan ay nagiging ‘madalain.’ Kaya ang dapat na gawin, ipakita ang inyong pagiging sincere at pagiging player. Ipakitang kaya n’yo’ng ibalik ang tiwala nila sa relasyon.
THE SERIOUS––Silang tipong seryoso sa lahat ng bagay kapag kagagaling lang sa hiwalayan ay nag-iisip kung saan sila nagkamali at hindi naging successful ang kanilang pakikipagrelasyon. Ang mainam na gawin, be a listener! Mas magugustuhan nila kayo kapag pinakikinggan n’yo sila at sinasabayan sa pagbibigay ng opinion.
THE CRAZY–––Silang ‘joker’ kapag nasaktan ay idinadaan sa pagpapatawa ang anomang uri ng nararamdaman. Pero kapag sila na lang, tiyak na lungkot ang nararanasan. Ang dapat gawin? Maging ‘audience’ nila. Kapag kasi nakikita nilang ‘click’ sa kanila ang inyong mga biro, hindi na mahirap sa kanila ang maging palagay sa inyo.
The post Rules in dating appeared first on Remate.