SA PAGHIHIWALAY ng landas nina Atty. Leviton Baligod at kliyenteng si Benhur Luy, sinabi ni House Minority Leader Ronaldo Zamora na malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbabago sa takbo ng kaso ukol sa pork barrel scam.
Aniya bagama’t karapatan ng isang kliyente na humanap ng isang abogadong mapagkakatiwalaan ay hindi pa rin mabuting magpalit ng abogado sa kalagitnaan ng kaso lalo pa’t si Baligod ang nagtatag ng kaso laban sa sinasabing utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at ilan pang kasabwat nito.
Hinala rin ng kongresista na posibleng madagdagan ang akusado o mga naidadawit na opisyal.
Nangangamba naman si 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III na bumaligtad ang whistleblower na Luy.
Ayon kay Bello, hindi malayong talikuran ni Luy ang pork barrel scam investigation dahil hindi na nito kasama si Baligod sa kaso na unang nag-udyok sa kaniya hawakan ang kaso.
Balido ayon kay Bello ang rason ni Luy na hindi na natututukan ng isang abogado ang kanyang kaso at hindi rin basta mapipilit ng sinuman kung kumuha na ito ng serbisyo ng ibang abogado.
The post Dagdag-bawas sa pork barrel scam inaasahan na appeared first on Remate.