PATAY ang isang buntis nang barilin ng kanyang kapitbahay sa Barangay 24, Cagayan de Oro kaninang madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Jacky Lou Dalayag, 35, habang ang suspek ay si Freddie Pasayon.
Sa imbestigasyon, kapwa kolektor ang dalawa sa mga nagsusugal sa lugar nang magkainitan.
Nang mapikon ay kumuha ng baril ang suspek saka binoga ang biktima na tinamaan sa dibdib at paa agad nitong ikinamatay.
Pinaghahanap na ang tumakas na salarin.
The post Buntis patay sa sugal sa Cagayan de Oro appeared first on Remate.