TAHASANG itinanggi ni House Speaker Feliciano Belmonte na wala siyang personal na nalalaman ukol sa sinasabing hidden pork.
Lumutang ito nang ilantad ni ACT partylist Rep. Antonio Tinio ang isang form kung saan ito ang ginagamit ng mga kongresista para sa pagrerekomenda kung saan dapat gamitin ang pondo na dati ay Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
“I denied so many many times that form. I said I’ve never seen that form and I can swear to you up to this point that I’ve never seen that form. Although people talk about it. Lalo na in the media but I’ve never seen it, it did not come from my office and I have no intention of endorsing anything to anybody,” sinabi ni Belmonte sa panayam ng mamamahayag.
Bago si Belmonte ay nagbigay na rin ng pahayag si Budget Secretary Florencio Abad ukol sa hidden pork sa 2014 General Appropriations Act nang makapanayam ng media sa kanyang pagtungo sa Kamara.
Sinabi ni Abad matapos itong dumalo sa Joint Congressional Committee on Public Expenditure, na ang PDAF ng mga kongresista ay iyong nailipat sa anim na ahensiya ng gobyerno para sa edukasyon, kalusugan, hanapbuhay at imprastruktura.
Paglilinaw pa ni Abad na hindi lamang paggawa ng batas ang trabaho ng mga mambabatas kundi ang alagaan din ang kani-kanilang constituents.
Magkagayunman, inamin ni Abad na ugat pa rin ng political patronage ang pork barrel na malabo anyang maalis sa sistema ng bansa hangga’t hindi lubusang natutugunan ng gobyerno ang problema sa kahirapan na dahilan para lumapit ang publiko sa kanilang alkalde, gobernador at kongresista.
The post ‘Hidden pork’ itinanggi ni Belmonte appeared first on Remate.