NAKAALIS na ng bansa ang provisional witness sa pork barrel scam na si Ruby Tuason.
Kinumpirma ni Immigration Spokesperson Maan Pedro, na umalis ng bansa si Tuason noong Marso 2 sakay ng Cathay Pacific patungong Hong Kong.
Si Tuason ay dumating sa Pilipinas noong February 7, 2014 mula sa Amerika makaraang magpahayag ng kahandaan na isiwalat ang kanyang nalalaman sa pork barrel scam.
Parehong nadadawit si Tuason sa kaso ng pork barrel at Malampaya Fund Scam.
The post Ruby Tuason lumabas ng bansa appeared first on Remate.