NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) kabilang ang isang tinyente at dalawang sundalo sa isinagawang operasyon sa Antipolo City kagabi.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina 1st Lt. Noel Alipio, military police ng Philippine Army (PA); Corporal Valentino Carlobos, dating Scout Ranger; Corporal Edgar Alipio, dating army; mga sibilyan na sina Joseph Entradicho; Grexon Behare; Rafael Camais at Jaime Bendo.
Nabatid na aktibo pa si Noel sa serbisyo habang AWOL naman sina Carlobos at Edgar na kapatid ni Noel.
Habang ang kanilang lider na kinilalang isang Major del Rosario ng Philippine Army ay pinaghahanap pa.
Iprinisinta naman ng NBI sa mamamahayag ang mga narekober na apat na kalibre 45 at dalawang granada.
Nauna rito, planong kidnapin ng mga suspek ang isang Chinese businessman na noo’y kanila nang binubuntutan galing sa Quezon City at may dalang tinatayang P4.5 milyon cash nang makatanggap ng tip ang operatiba ng NBI.
Ang mga suspek ay hawak na ng NBI at inihahanda ang kasong isasampa sa kanila.
Inaalam din ng NBI kung sangkot pa sa ibang krimen tulad ng panloloob sa mga jewelry shop ang mga naaresto.
The post UPDATE: 3 sundalo, 4 iba pang miyembro ng KFR tiklo appeared first on Remate.