Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3-anyos nalitson nang buhay sa sunog sa Munti

$
0
0

NALITSON nang buhay ang 3-taon gulang na babae habang sugatan naman ang tatlo katao makaraang tupukin ng lumalagablab na apoy ang may 50 kabahayan kahapon sa Muntinlupa City.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktima na nakilalang si Shandara Araos,  ng West Kabulusan IA, West Service Road, Barangay Cupang, Muntinlupa habang ginagamot pa sa Ospital ng Muntinlupa ang tatlo pang biktima na sina Riza Compania na nagtamo ng 1st degree burns sa katawan, Rodrigo Sua at  Michael Arcel, kapwa nasa hustong gulang na nagtamo ng sugat sa katawan.

Sa ulat ng Muntinlupa Fire Department, alas-2:42 ng hapon nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Alvin Araos sa West Kabulusan, West Service Road Barangay Cupang, nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Alvin, ama ng batang nasawi, nasa unang palapag siya ng kanilang bahay nang biglang may nagliyab mula sa kanilang kisame sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya’t hindi na nito nagawang mailigtas ang kanyang anak na natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Agad namang nakaresponde ang mga kagawad ng pamatay sunog kung saan umabot lamang ito ng unang alarma at idineklarang fire out dakong alas-4:10 ng hapon.

Nang magsagawa ng mupping operation ang mga kagawad ng pamatay sunog, dito nila nadiskubreng sunog na sunog ang katawan ng biktima na halos hindi na ito makilala.

Nabatid na ang 50 kabahayan ay yari lamang sa light materials at mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>