WALANG BASBAS ng Malakanyang ang sinasabing hidden pork na palihim na ginagamit ng mga mambabatas.
Binigyang diin ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na walang kinalaman at alam ang Malakanyang sa usaping ito.
Kaya nga aniya wala ng dapat na kaugnayan ang sinumang mambabatas sa paggastos o sa pagpapatupad ng mga programang nakasaad sa General Appropriations Act.
Iyan aniya ang posisyon ng pamahalaan.
Wala namang ideya si Sec. Coloma kung nasaan ang sinasabing hidden pork.
Binigyang diin nito na napaka-transparent ng budget ng pamahalaan sa kasalukuyan kung saan aniya ay inalis na ang SARO at NCA.
“So, kung ano iyong nakahayag doon sa budget, ‘yun na ‘yon, ‘yun na ‘yong sinusunod at ipinapatupad na budget ng ating pamahalaan,” aniya pa rin.
The post Malakanyang walang alam sa ‘hidden pork’ appeared first on Remate.