TINIYAK ng Malakanyang na tuloy ang land reform sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) kahit mapapaso na ang petsa nito.
May ilang grupo sa land reform ang humihingi ng status ng implementasyon ng CARPER, na nakatakdang mag-expire ngayong Hunyo.
Subalit agad namang sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na ang land reform program ay patuloy na nakakasa kahit na ito’y may termination date lalo pa’t may mga land owners ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang notices of termination.
Gaya aniya ng sinabi ni Agrarian Reform Secretary de los Reyes, na sa ilalim ng umiiral na batas na Republic Act 9700, Section 30 ay nagsasaad ito ng “land acquisition and distribution may proceed for land holdings with pending proceedings even after June 2014.”
Kaugnay nito, ngayong taon aniya ay lumalahok ang Pilipinas sa International Year of the Family Farm.
Ibig sabihin nito ay hinikayat aniya ang pagpapalago at pagkakaroon ng family farms para mas marami pang Pilipino ang lumahok sa pagsasaka.
Sa kalatas ng Department of Agriculture, ang average age ng Filipino farmers ay 55 pataas kaya’t dapat lang na palawigin ang tinatawag na base of farmers sa bansa kabilang na ang nabibilang sa younger age group.
The post Land reform, tuloy – Malakanyang appeared first on Remate.