Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Atty. Levito Baligod sinipa ni Benhur Luy

$
0
0

INALIS na bilang abogado ng pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy si Atty. Levito Baligod.

Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na nakatanggap siya ng  liham mula kay Luy na ipinadala niya kay Baligod kung saan nagpasalamat ang whistleblower sa serbisyo nito.

Kakulangan sa oras ni Baligod ang idinahilan ni Luy sa kanyang desisyon.

Hindi pa nakakausap ni de Lima si Luy ukol dito.

Nanindigan naman ang kalihim na wala itong magiging epekto sa kanilang laban sa kaso. Ito’y dahil si Luy naman ang testigo sa kaso.

Ngunit ani de Lima, prerogative ng kliyente na palitan ang kanyang abogado.

Tinawagan na ni de Lima si Baligod ukol dito, at tumugon aniya ito na wala siyang magagawa kung ito ang magiging desisyon ng kanyang kliyente.

Sinabi ni de Lima na mayroong tatlo o apat na abogado ang bubuo sa bagong legal counsel ni Luy.

Inamin naman ni de Lima na ilang linggo na ang nakararaan nang marinig niya na may “tampo” si Luy kay Baligod.

Wala namang binanggit ang kalihim ukol sa ulat na magpapakasal umano si Baligod.

Si Baligod din ang abogado ng isa pang whistleblower na si Merlina Suñas.

Hindi pa nakukumpirma ng kalihim kung ano ang lagay ng pagki-kliyente nito kay Suñas.

The post Atty. Levito Baligod sinipa ni Benhur Luy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan