ITATAAS ng 10 porsiyento ang ad valorem tax ng softdrinks.
Ito ay upang mapababa na rin ang tumataas na bilang ng diabetic patients kung saan 44 Pinoy ang pinaniniwalaang namamatay araw-araw dahil sa diabetes ayon na rin sa ulat ng Department of Health (DoH).
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, sinuportahan naman ni Health Undersecretary Nemesio Gaco ang panukala ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing dahil ang pagtataas sa presyo ng sofdrinks ay kabawasan na rin sa iinom nito na magbubunsod ng pagbabawas ng sweet o matamis sa katawan ng tao.
“We are fully supporting the bill. Reports said the number two cause of death is lifestyle-related,” ayon kay Gaco.
Ayon kay Suansing ang buwis na makokolekta sa soft drinks tax ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng mga biktima ng kalamidad, imprastraktura, pabahay at kabuhayan.
Kinumpirma rin ni Stella Montejo, pinuno ng Department of Finance (DoF) Fiscal Policy and Planning Office, na aabot sa P10.5 bilyon buwis ang makokolekta mula sa softdrinks.
Ipinagtanggol naman ni Atty. Adel Tamano, vice president for public affairs and communication ng Coca Cola Philippines Inc., sa pagsasabing hindi ang softdrinks ang dahilan ng diabetes.
“In the Philippines, in terms of percentage, where do most Filipinos get their calories, it’s not from soft drinks. It accounts for less than 10 percent of the caloric intake. It’s from rice. If the issue here is caloric intake, don’t look at softdrinks,” ani Tamano.
The post Presyo ng softdrinks tataas appeared first on Remate.