PATAY na nang matagpuan ang isang lolo sa motel matapos takasan ng kanyang kasamang babae sa Zamboanga City.
Sa imbestigasyon, napilitan ang room boy ng motel na buksan ang kuwarto ng biktima matapos di pa rin ito lumabas ng kuwarto kahit ilang oras nang nakaalis ang babaeng kasama nitong mag-check-in.
Naabutan ang biktima na nasa edad 60 na hubo’t hubad, katabi ang dalawang pink tablet na pinaniniwalaang sex drug na posibleng naging dahilan ng atake sa puso ng matanda.
Inaalam na kung karelasyon ng matanda ang babaeng kasama nito.
Sa isinagawang post-mortem examination, nakumpirma na massive heart attack ang dumale sa hindi pinangalanang biktima.
The post Lolo todas sa nilaklak na sex drug appeared first on Remate.