TATLONG miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi habang tatlong sundalo ang nasugatan sa naganap na sagupaan ng magkabilang panig sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kagabi ng alas-11:00, Pebrero 28.
Ayon kay Col. Edgar Gonzales, commanding officer First Mechanized Brigade na nakabase sa Shariff Aguak, nangyari ang 30 minutong sagupaan maghahating gabi malapit sa kampo ng militar sa naturang lugar.
Agad umanong dinala ng kanilang mga kasamahan ang tatlong bangkay na BIFF members.
Nilinaw naman ni Gonzales na walang nasawi sa panig ng militar sa halip tatlo lamang ang nasugatan taliwas sa pahayag ng BIFF na ilang sundalo ang nasawi.
Ngunit itinanggi rin ni BIFF spokesman Abumisry Mama, na may nasawi sa kanilang grupo.
Ayon kay Mama, nagkalat ang kanilang mga tauhan ng gumawa nang pagsalakay ang militar sa kampo ng BIFF sa Ganta, Datu Piang at Datu Salibo.
Gayunman, ayon kay Gonzales, gumagawa lamang ng propaganda ang grupo ng BIFF matapos tatlong kasamahan ang nasawi sa sagupaan.
The post BIFF vs militar: 3 todas, 2 sundalo sugatan appeared first on Remate.