Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sa pagkawala ni Vice Ganda: ‘It’s Showtime’ wholesome entertainment na

$
0
0

SA pansamantalang pagkawala ni Vice Ganda, naging mas ‘wholesome entertainment’ ang ipinamalas sa noontime show ng ABS-CBN television network na Its’ Showtime.

May dalawa o tatlong araw na kasing wala sa eksena si Vice Ganda dahil may mga gagawin itong live shows sa California, USA kaya kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa tema ng mga lenguwaheng ginagamit ng mga ka-TV host nitong sina Billy Crawford, Anne Curtis, Karylle, Jong Hilario, Coleen Garcia, Kim Atienza at iba pa.

Naging maayos, malinis at kaaya-aya na kahit pansamantala sa tainga ang mga punchline ng tropa ng nasabing palabas na wala lang magawa kapag nandyan si Vice Ganda dahil tinatabunan sila nito ng buo-buo sa kanyang pagpapatutsada.

Kumbaga, nawala ang lahat ng kabastusan, kalaswaan at kaokrayan na ibinabato ng 36-anyos na baklang komedyante sa kanilang mga studio audiences para lang makapagpatawa o mabili ang kanyang nakakakutyang pamamaraan ng pagpapatawa.

Isinama na rin ni Vice Ganda sa kanyang pagpapatawa ang nangyaring pambubugbog kay Vhong Navarro at maging ang mga sangkot sa kaso ay tinitira na rin nito sa mismong ere ng kanilang television show.

Marahil hindi napansin ng mga taong hanga sa pagpapatawa ni Vice Ganda na binitbit na nito sa live television show ang estilo niya kapag nasa entablado siya ng comedy bars na kanyang pinanggalingan.

Para sa kaalaman po ng lahat, nagsimula sa mga comedy bars sumirit ang pagsikat ng ilan sa mga host dito na ngayon ay tinitingala na sa showbusiness tulad nina Allan K, K Brosas, Tsokolate, Arnel Ignacio at marami pang iba.

Ang nakalulungkot lang dito, babalik din ang kababuyan at mga double meaning na patawa kapag nakabalik na ng Pililpinas si Vice Ganda.

Kataka-taka namang selyado ang bibig ng MTRCB officials hinggil sa pagpapatawa ni Vice Ganda na masamang epekto sa imahinasyon ng mga kabataan na siya pa namang pag-asa para yumabong ang bansa.

The post Sa pagkawala ni Vice Ganda: ‘It’s Showtime’ wholesome entertainment na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>