WALANG balak ang Malakanyang na pumadrino kay Justice Secretary de Lima para malusutan lamang ang butas ng karayom ng Commission on Appointments (CA).
Kumpiyansang inihayag ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na handa si Sec. de Lima na sagutin ang anumang katanungan na ibabato sa kanya ng CA lalo na sa confirmation hearing.
Nauna nang napabalita na haharangin ni Senador Jinggoy Estrada ang kumpirmasyon ni de Lima dahil isinabit siya ng huli sa mga sinampahan ng plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Sa kabilang dako, nakiusap naman ang Malakanyang sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Senador Jinggoy na ihayag ang kanyang panig ukol sa napaulat na haharangin nito ang kumpirmasyon ni de Lima na sinasabing pinabulaanan din naman ng sendaor.
The post Malakanyang, walang balak pumadrino kay de Lima appeared first on Remate.