HINILING sa Korte Suprema ng isang mataas na opisyal ng kontrobersyal na Aman Futures Group na mailipat ang pagdinig ng kanilang kaso mula sa Pagadian City RTC sa Manila RTC.
Sa petition for change of venue na inihain ni Fernando Luna, presidente ng Aman at misis na si Nimfa, kanilang iginiit na hindi na ligtas para sa kanilang manatili sa Pagadian City kahit pa nasa kulungan.
Mayroon umanong mga investor ng Aman ang may kamag-anak sa loob ng Pagadian City Jail.
May ulat na may mga investor na gustong ipalikida ang mag-asawang Luna o ipadukot ang kanilang anak kapalit ng ransom.
Nakasaad din sa petisyon na ang bahay nina Luna sa Pagadian ay pinasok na ng mga galit na investor habang ang bahay ng kanilang magulang sa Zamboanga del Sur ay sinunog.