SUMUGOD kaninang hapon sa US embassy sa Maynila ang mga militanteng grupo upang tutulan ang nakatakdang pagbisita ni US President Barrack Obama sa Abril.
Bitbit ng mga militanteng grupo ang kanilang placards na nagpapakita ng pagtutol sa visiting forces agreement, pakikialam ng Estados Unidos sa pulitika sa bansa at iba pang usapin.
Bago nagmartsa patungong embahada ay nagtipon-tipon ang mga militante sa Mehan Garden sa Lawton.
Bahagya namang nagkairingan ang grupo at hanay ng pulisya matapos mambato ang mga militante ng maitim na langis kung saan maging ang media na nagko-cover ay nabato rin at nadumihan ng langis.
Nagsikip din ang trapiko dahil nabarahan ang southbound lane ng Roxas Blvd.
Nakapuwesto na rin ang trak ng bumbero sa lugar para sa dispersal sakaling kakailanganin ito.
The post US embassy, sinugod ng mga aktibista appeared first on Remate.