PATAY ang 56-anyos na checker nang suntukin ng kanyang minura kaninang umaga sa Tondo, Maynila.
Idineklarang patay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktima na si Gonzalo Laparan, checker sa Vitas Port Arrastre Corporation.
Agad namang naaresto ang suspek na si Raymund Dela Rosa, 30, ng 274 Simeon de Jesus, San Rafael Village, Navotas.
Sa report, alas-7 ng umaga kanina nang maganap ang insidente sa Pier 18, Vitas North Harbor, Tondo.
“Nagtanong po ako sa kanya kung saan dadaan para kunin yung produkto, pero sumagot po siya nang pagalit at sinabing ang tagal-tagal mo na dito hindi mo pa alam na sinagot ko naman po na first time ko lang kaya ako nagtatanong,” ayon sa suspek.
Lalo naman aniyang nagalit ang biktima at pagkatalikod ng suspek ay bigla siyang sinuntok.
Gayunman, pinalipas ito ng suspek ngunit pagbalik sa kanilang truck ay muli siyang pinagmumura at sinuntok ng biktima kaya napilitan nang gumanti ng suntok ang suspek.
Sa lakas ng suntok ng suspek ay bumagsak patihaya sa semento ang biktima.
The post Checker todas sa suntok sa Tondo appeared first on Remate.