‘WELGA kami!’
Iyan ang sigaw ng mga driver ng may 12,000 trak sa Lunes, Pebrero 24 dahil sa daytime truck ban na ipatutupad ng Maynila.
Sa report ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, palalawigin ng Maynila ang ‘operating window’ ng mga truck sa lungsod.
Mula umano sa orihinal na 9PM to 5AM, papayagan na rin silang bumiyahe mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Pumayag din ang mga exporter at Bureau of Customs (BOC) na mag-adjust sa truck ban.
Ayon naman sa mga trucker, kailangang ibalik ng lungsod ang orihinal na scheme kung saan nakakabiyahe sila ng 15 oras kada araw.
Babagsak ang kanilang mga negosyo at mga pabrikang sineserbisyuhan kung lilimitahan sa gabi at tanghali ang kanilang delivery.
Bukod sa truck holiday, plano ng pamunuan ng Maynila na padaanin ang mga truck sa gitna ng southbound lane ng Roxas Boulevard.
Bawal silang kumaliwa mula sa UN Avenue papasok ng Roxas Blvd., kaya mula Pier ay sa Intramuros na lamang sila daraan.
The post 12-k trak magwewelga vs Manila truck ban appeared first on Remate.