PATAY ang 22-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakikipag-inuman sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 22, 2014.
Kinilala ang biktima na si Joseph Wiyden Suico, ng 54 Amber Street, North View, Batasan Hills.
Si Suico ay namatay habang ginagamot sa Saint Matius Hospital dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa harap ng St. Joseph Parish North View, Brgy. Batasan Hills, alas-4:00 ng madaling-araw.
Sinabi sa ulat na nakikipag-inuman ang biktima sa matalik na kaibigan na si Justin Gomez at isang hindi pa kilalang kainuman nang maganap ang insidente.
Nabatid sa witness na si Meanne Pintor na nakarinig pa siya ng sigaw mula sa biktima bago natagpuang patay.
Sinisiyasat pa ng mga tauhan ng pulisya ang naturang kaso at kung sino ang may kagagawan sa krimen.
The post Kelot tigok sa inuman sa Quezon City appeared first on Remate.