Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kelot lasog sa tren, paslit utas sa kotse

$
0
0
LASOG-LASOG ang katawan ng isang lalaki nang masagasaan ng tren sa Sta. Cruz, Maynila habang isang bata naman ang namatay nang mabundol ng kotse.
Inilarawan ang biktima na may edad 30-40, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt, nakapantalon at itim na sapatos.
Sa report, alas-6:45 kagabi nang naganap ang insidente sa riles ng PNR sa kanto ng Rizal Ave., at Antipolo St., Sta Cruz, Manila. Patungo ang tren sa south bound nang pagsapit sa nasabing lugar ay biglang tumawid ang biktima dahilan upang makaladkad at magkahiwa-hiwalay ang katawan.
Nakuha sa bag pack nito ang ilang gamit at gamot subalit walang nakitang anomang pagkakakilanlan.
Samantala, patay naman ang isang batang babaeng pulubi nang masagasaan ng isang kotse habang nanghihingi ng limos sa Ermita, Maynila.

Inilarawan ang biktima na babae na may edad 10-13, nakasuot ng orange na t-shirt, grey short na may marking na 3 brothers, nakasuot ng hikaw at kuwintas at may hawak na sobre na may nakasulat na “penge pong pambili ng pagkain.”

Sa report ng Manila Traffic Bureau, alas-4:43 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng Luneta park sa kanto ng TM Kalaw St., Ermita, Manila

Nanghihingi ng limos ang biktima sa mga dumaraang sasakyan nang mahagip ng kotse na minamaneho ni Adoracion Florin, Administrative Officer ng Philippine General Hospital at residente ng Calamba City, Laguna.

The post Kelot lasog sa tren, paslit utas sa kotse appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>