AABOT sa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Caloocan City, Biyernes ng gabi, Pebrero 21.
Sa ulat, alas-6:15 kagabi nang maganap ang sunog sa Malolos Avenue, Bagong Barrio kung saan natupok ang 20 kabahayan.
Alas-7:50 kagabi nang maapula ang sunog at umabot sa P1.5 milyon ang naging pinsala.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
The post 40 pamilya ‘homeless’ sa sunog sa Caloocan appeared first on Remate.