AABOT sa dalawang milyong turista ang aakyat sa Baguio City sa pag-arangkada ng Panagbenga Festival.
Hindi rin nagpahuli ang mga Baguio Ethnic Dance Troupe na lumahok sa parada bukod pa sa mga delegado mula sa Korea.
Suot ang makukulay na costume, nagpakitang-gilas din sa street dance ang mga mag-aaral mula Saint Louis University, Baguio City SPED Center, mga anime cosplayers kasama ang ilang miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).
Sunflower naman ang tema ng isa sa mga grupong nagpasiklab habang nag-perform din ang isang grupong na mistulang paru-paro.
Tiniyak naman ng Baguio Flower Festival Foundation, Incorporated ang kalinisan at organisadong selebrasyon ng Panagbenga Festival ngayong taon.
Nasa 996 na pulis ang ikinalat sa lungsod at gagamit din ng drone plane ang Baguio Police na kanilang gagamitin para subaybayan ang mataong lugar.
Tutulong din sa crowd control ang 2,000 volunteers habang nakaantabay ang limang ambulansya sakaling may mangailangan ng atensyong medikal sa gitna ng parada.
The post Panagbenga Festival, umarangkada na appeared first on Remate.