Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

7 todas, 33 tiklo sa Davao City drug raid

$
0
0

PITONG kilabot na drug pushers ang napatay nang manlaban sa awtoridad sa Davao City kaninang madaling-araw, Pebrero 21.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang lima sa pitong suspek na sina Hainal Solani, Dark Abdul Nawang alyas Ani, alyas Ruel, Musa Sailaman, Faisal Albahi, at dalawa pang hindi nakikilalang kasamahan.

Sa ulat, nagsimula ang operasyon alas-4 ng madaling-araw at natapos alas-9 ng umaga  sa Block 3, 6, 8 at 9 sa Barangay Ilang.

Sinabi ni Senior Supt. Vicente Davao, director ng Davao City Police Office (DCPO), noong Disyembre 2013 pa nang planuhin ang pagsalakay sa 27 drug pushers ngunit kaninang madaling-araw lamang natuloy.

Lulan ang mga pulis at PDEA team sa isang Bachelor bus habang sa karagatan naman nakaposisyon ang mga kasapi ng Maritime police para walang makalusot sa mga suspek.

Ayon sa source, mahirap pasukin ang lugar dahil may mga inilagay na sensor at alarma ang mga pusher kaya ilan pa rin sa kanila ang nakatalon sa dagat.

Milyong piso naman ang tinatayang halaga ng mga iligal na droga ang nabawi sa lugar mula sa drug pushers.

Nakakulong na ngayon sa Davao City Police Office ang mga nahuli na umaabot sa 33 drug pusher.

May ilang mga pulis naman na nahulog pa ang dalang armas at magazine sa dagat habang sila ay tumatawid sa footbridges.

Nagkagulo rin sa lugar nang pilit binabawi ng mga kamag-anak ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay. Sa kaugalian ng mga Muslim,  ang namatay na mahal sa buhay ay kailangan agad na mailibing.

The post 7 todas, 33 tiklo sa Davao City drug raid appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>