PAHAHARAPIN sa House Committee on Information si Manolo Quezon ng Presidential Communications Development and Strategic Planning para ipaliwanag ang isinumiteng bersyon ng Malakanyang sa Freedom of Information bill.
Sinabi ni Misamis Rep. Jorge Almonte, chairman ng komite, na target nilang maiakyat sa plenaryo ang FOI bill ngayong darating na Marso.
Samantala, naniniwala si Almonte na dapat ay kasong administratibo lamang ang ipataw na parusa sa mga lalabag sa FOI sakaling maging ganap itong batas.
Magiging kawawa aniya kung sakali ay ang ilang mababa at ordinaryong opisyal o empleyado ng gobyerno sakaling magkamali sila sa ilang impormasyon sa mga dokumento.
Ngunit kung makitaan talaga ng paglabag ang mga opisyal ng gobyerno ay may iba pa namang kasong kriminal na maaaring maisampa laban sa mga ito salig sa iba pang batas na pinaiiral sa bansa.
Nilinaw din ni Almonte na pabor siya sa FOI pero sa mas mababang parusa dapat.
Isusulong niya ito sa oras na mapag-usapan na sa komite ang adjustments para sa mga penalty ng lalabag sa FOI.
Una nang umapela ang National Security Council sa nakaraang pagdinig ng komite na dapat taasan ang parusang ipapataw sa lalabag sa FOI upang matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.
The post FOI nasa plenaryo na sa Marso appeared first on Remate.