MISTULANG lumambot si Manila Mayor Joseph Estrada sa ipatutupad na “truck ban” sa Lunes, Pebrero 24, makaraang baguhin ang oras sa pagbiyahe ng mga ito palabas at papasok sa nabatid na lungsod.
Napag-alaman sa alkalde na magbibigay sila ng “window hours” na limang oras sa mga truck kung saan mula sa dating alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ay papayagan na silang makapasok sa Maynila mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Ang ginawang modipikasyon ni Estrada ay bunsod sa kahilingan ng Philippine Chamber of Commerce (PCC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Commission on Human Rights (CHR) at mga kalapit na siyudad at pamahalaang lokal.
Samantala, hindi kumbinsido sa ginawang modipikasyon sa truck ban ang haulers dahil hindi umano sapat ang 5 oras para mai-accommodate ang 4,000 truck sa Manila ports dahil 800 trucks lamang ang kayang i-accommodate sa daungan ng Maynila.
Ang gusto nila Rebao ay i-recall o i-repeal ang Ordinance 8336 at payagan ang trucks na makapasok sa Maynila sa loob ng 24 na oras.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Mary Zapata, presidente ng ABCI, na gusto nila na maging maliwanag ang nabanggit na modipikasyon sa pamamagitan ng pag-iisyu ni Estrada ng written memorandum.
“Wala pa confusing pa kasi pag-uusapan pa namin yan, may experience na kasi kami sa kanila na hindi naman natutupad yong sinasabi nila kaya ang nangyayari wrecker dito wrecker doon ng aming mga truck,” ayon kay Zapata.
The post Oras ng truck ban sa Maynila binago ni Erap appeared first on Remate.