UMAPELA ang Malakanyang sa pubiko na magsakripisyo bago pa makamit ang benepisyong idudulot ng Skyway III at NLEX-SLEX Connector Projects.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na magkakaroon ng malaking ginhawa para sa mamamayan dahil sa pinaikling oras ng paglalakbay ngayon at nagsisimula na ang konstruksyon ng nasabing proyekto.
“Ngunit bago natin makamit ang mga benepisyo, kailangan ng konting sakripisyo. Ayon sa isang salawikain: “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Di po ba, sulit na sulit naman ang magiging resulta ng ating pagpapasensya,” ayon kay Sec. Coloma.
Sa ulat, sinabi ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na may ipinalabas na pag-aaral si Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na isinisisi nito sa matinding trapiko ang pagkalugi ng Pilipinas ng mahigit P2 bilyon araw-araw sa dapat sana’y kita nito at tuluyang nawala ang produksyon.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Coloma na siguradong mas magiging maganda ang buhay ng bawat Filipino na bumibiyahe papasok at palabas ng MM dahil sa mga proyektong ito.
Bukod pa sa malaki rin ang maitutulong nito sa komunidad, negosyo at industriya ng CALABARZON (Region IV-A), National Capital Region at Gitnang Luzon, lugar na sinasabing 60 percent ng Gross Domestic Product ang dumadaloy dito.
The post Konstruksyon ng Skyway III at NLEX-SLEX Connector Projects malaking ginhawa sa mga Filipino- Malakanyang appeared first on Remate.