Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

5-anyos anak kinatay ng sariling ina

$
0
0

ITINANGGI ng isang ina na pinatay niya ang kanyang ampon sa Barangay Pagalungan sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Sarah Bahian, hindi niya pinatay ang biktimang si Angel Bahian, 5, kundi dinukot ito ng kanilang kapitbahay ilang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Sarah, hindi siya mamamatay tao bagkus ay mapagmahal at katunayan umano dito ay isinalba pa ang buhay ng bata.

Sinabi pa ng suspek na na kahit isailalim pa siya sa finger printing ay handa niya itong gawin mapatunayan lamang na hindi siya ang nasa likod ng pagpatay kasama ang mister na si Dante Bahian.

Una rito, naaresto ng mga barangay police ang suspek dahil sa akusasyon at ikinustodiya ng mga lokal na opisyal ng Barangay Gusa.

Subalit dahil wala pang pormal na isinampang kaso laban sa mga suspek ay hindi rin ito maaaring makustodiya ng pulisya.

Una nang ipinagtapat ng mga kapitbahay kay Kapitan Oporto na narinig nila kung paano pinagtulungan ng mag-asawa na bugbugin ang biktima hanggang sa ilang araw ding itong hindi na nila nakikita.

Inamin naman ni Oporto na walang kahit sinoman sa kanilang mga residente ang naglakas-loob na arestuhin ang mag-asawa dahil dati umano itong mga bilanggo.

Napag-alaman na unang lumalabas ang ulat na pinagtulungan umanong binugbog ng suspek at ng mister na si Dante ang ampon na si Angel hanggang sa mamatay at isinilid sa sako bago inihulog sa septic tank.

The post 5-anyos anak kinatay ng sariling ina appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>