HINDI si Pangulong Aquino ang may pakana sa Charter Change (CHACHA).
Ito ang tahasang sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte kasabay ang pasaring sa Makabayan bloc na naglabas ng ganitong alegasyon.
Binigyang diin ni Belmonte na “unfair” aniya ang pahayag ng Makabayan bloc na may basbas ng pangulo ang CHACHA at pakyeme lamang ang pagtutol nito sa pag-amyenda ng saligang batas.
Pinatutsadahan din ng speaker ang grupo na aniya’y binubuo lamang ng anim na indibiduwal ngunit ipinagpipilitan ang kanilang kagustuhan sa Kamara.
Paliwanag pa ni Belmonte na kilala aniya ng lahat ang pangulo na diretsa kung magsalita at hindi nagdo-double talk sa publiko.
Sinuportahan naman ng mga Vice Chairmen ng House Committee on Constitutional Amendments na sina Cavite Rep. Elpidio Bazaga at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ang pagpalag na ito ni Belmonte.
Ayon kay Barzaga, “uncalled for” ang bintang ng Makabayan bloc at lalong walang basehan ang alegasyon na nire-railroad sa committee level ang ChaCha resolution ni Belmonte dahil malinaw namang sinusunod nila ang panuntunan ng Kamara.
Ang pakiusap naman ni Fariñas sa Makabayan bloc ay tigilan na ang espikulasyon dahil kita naman sa records na napakarami nilang inimbitahang resource persons para sa kunsultasyon sa ChaCha.
The post PNoy sa likod ng ChaCha itinanggi appeared first on Remate.