SASABAK na sa free skate finals ang Filipino-Norwegian skater na si Anne Line Gjersem matapos makuha ang ika-24 ng short program ng figure skating sa Winter Olympics.
Nakakuha ang 20-anyos na si Gjersem ng iskor na 48.56.
Una nang sinabi ni Gjersem na matagal na niyang pangarap na maging Olympic champion gaya ng kapatid nyang figure skater na si Camilla.
Tubong Isabela ang ina ni Anne na si Perlina.
Ayon sa ina, ibang bandila man ang kanilang hawak, umaasa pa rin sila sa suporta ng mga kapwa nilang Pinoy para sa anak.
Gaya ni Martinez, nais din ng magkapatid na sumabak sa 2018 Winter Games.
The post Fil-Norwegian sasabak sa free skate finals ng Winter Olympics appeared first on Remate.