Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kawalan ng kongresista sa sesyon pinuna

$
0
0

NAPIKON na si BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza sa palaging huli ang simula ng sesyon ng Kamara at ang kakaunti lamang na dumadalo sa plenary.

Sa kanyang pagtayo sa plenaryo, kinuwestyon ng kongresista kung bakit madalas na hindi on time ang kanilang sesyon.

Hinimok niya ang liderato ng Kamara na kailangan umanong tingnan ang rules para maipaalala sa bawat kongresista ang kanilang oras ng trabaho sa plenaryo.

Unfair naman aniya sa ibang kongresista na pumapasok ng maaga kung palaging delayed ang sesyon.

Nagiging sistema na sa Kamara na bubuksan ang sesyon ng alas-4:00 ng hapon sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang at isang panalangin ngunit pagkatapos nito ay matagal naman na nagbi-break o mahabang suspension.

Kasabay nito ay hinimok ni Atienza ang mga kongresista na lumagda sa isang pledge na nagsasaad na hindi nila gagalawin ang political provision ng Konstitusyon.

Ani Atienza, kailangan na mayroong malinaw at kasiguruhan na hindi kailanman pakikialaman ang political provision ng Saligang batas.

Ilan sa mga pinangangambahang magalaw sa political provision ay ang pagpapalawig ng term limits ng mga nakaupong kasalukuyang opisyal.

Sinabi pa ni Atienza na handa siyang magbitiw at ang iba pa sakaling labagin nila ang pinirmahang kasunduan.

Suportado ng buong independent minority ang nasabing pledge.

The post Kawalan ng kongresista sa sesyon pinuna appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan