NAILARGA ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang panukalang batas na nagtataas sa tax exemption limit ng 13th month pay, Christmas bonus at iba pang mga benepisyo ng mga manggagawa.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, layon ng Senate bill 256 na itaas ng hanggang P75,000 mula sa kasalukuyang P30,000 ang limit para sa tax exemption para sa mga tinatanggap na bonuses at iba pang benepisyong tinatanggap ng manggagawa sa ilalim ng batas.
Ayon kay Drilon, bagama’t may naipasa ng batas hinggil dito, sinabi nitong hindi na nakasusunod pa ang umiiral na Republic Act 7833 upang tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa.
Inihalimbawa pa ni Drilon na posibleng umakyat ng hanggang sa labindalawang libong piso ang tatanggaping sahod ng isang kawani ng gobyerno mula sa kasalukuyan nitong tinatanggap na 9,000 piso kada buwan.
The post Tax exemption limit planong taasan appeared first on Remate.