Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Falcons dinagit ang No. 4

$
0
0

KINAILANGAN ng Adamson University Lady Falcons ng limang sets para madagit ang 25-17, 23-25, 23-25, 25-13, 15-11 panalo laban sa Far Eastern University Lady Tamaraws sa do-or-die match kanina sa 76th UAAP women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Pumalo ng 25 points, 24 attacks at isang block si Shiela Pineda upang sungkitin ng Lady Falcons ang No. 4 spot at kakalabanin sa step-ladder match ang No. 3 na Ateneo Lady Eagles.
Nakahirit ng tie-breaking game ang Lady Falcons matapos matalo ng Lady Eagles ang Lady Tams sa kanilang pang-14 na laro sa elimination round.
Nagsalo sa fourth to fifth place ang FEU at Adamson kapit ang tig 6-8 win-loss slate habang tersero ang Ateneo na may 10-4 record.
Ang format sana sa semifinals ay No. 1 vs No. 4 at No. 2 laban sa No. 3 subalit nabago ito matapos walisin ng three-time defending champions De La Salle University Lady Spikers ang 14-game eliminations round.
Dumiretso na agad sa Finals ang Lady Spikers bitbit ang thrice-to-beat incentive kaya naging step-ladder ang labanan sa semis.
Sinoman ang manalo sa pagitan ng Adamson at Ateneo ay makakalaban ang may twice-to-beat na National University Lady Bulldogs na sagpang ang No. 2 spot matapos magtala ng 12-2 karta.
Sa Sabado ang knock-out game ng Lady Eagles at Lady Falcons.
Samantala, dumapo rin sa No. 4 spot ng men’s division ang Adamson matapos nilang kaldagin sa playoff ang Green Archers, 25-20, 27-25, 25-23.
Makakalaban ng Falcons sa semis ang No. 1 na NU Bulldogs habang maghaharap naman ang No. 2 Blue Eagles at No. 3 Tamaraws.

The post Falcons dinagit ang No. 4 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>