ISANG modelo at kandidata ng Binibining Pilipinas beauty pageant ang nagsampa rin ng kasong rape laban kay comedian/TV host Vhong Navarro kanina sa Pasig City.
Bukod pa ito sa naunang kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo sa Taguig City.
Ang nagreklamo ng rape laban kay Navarro ay isang Roxanne Cabanero, naging kandidata ng Bb. Pilipinas pageant 2011.
Nadiskuwalipika siya sa pa-contest dahil sa “extreme nudity.”
Si Cabanero ay tubong Davao City.
Pormal na nagsampa ng kasong rape si Cabanero sa Pasig City Prosecutors Office kaninang hapon.
Sa panayam ng Remate kay Atty. Virgilio Batalla, abogado ni Cabanero, nagkalakas ng loob na magreklamo ang biktima laban kay Navarro dahil sa kasalukuyang iskandalo na kinasasangkutan ng aktor laban kina Cornejo at businessman Cedric Lee.
May hiwalay namang kaso si Navarro laban kina Cornejo at Lee kaugnay ng umano’y pambubugbog sa kanya sa condominium sa The Fort, Taguig.
Gayunman, tumanggi si Atty. Batalla na idetalye nang buo sa Remate ang ginawang panghahalay ni Navarro kay Cabanero.
Maghaharap na lamang umano ang dalawa sa korte.
The post Rape pa vs Vhong isinampa ng beauty queen appeared first on Remate.