KUMILOS na ang Departent of Justice (DoJ) upang amyendahan ang binalangkas nitong Implementing Rules and Regulation (IRR) kaugnay sa Cybercrime Law.
Ayon kay Assistant Secretary Geronimo Sy, namumuno ng Office of Cybercrime ng DoJ, ito ay matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon ng batas.
Pero ayon kay Sy, mas mainam kung hihintayin nila ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa mga ihahaing motion for reconsideration.
Nabatid na sinimulan nang balangkasin ng DoJ ang IRR hinggil sa Cybercrime Law sampung taon na ang nakalilipas o bago pa man ito malagdaan bilang ganap na batas.
Sinabi pa ni Sy na dadaan sa public consultation ang pag-amyenda sa IRR na isa sa gagawing batayan sa pagpapatupad ng cybercrime Law.
The post IRR ng Cybercrime aamyendahan appeared first on Remate.