WALANG pumipigil sa kahit na sinumang opisyal ng pamahalaan na sumakay ng jeep, bus, MRT, LRT o mag-taxi o maging isang ordinaryong mananakay.
Tugon ito ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. sa petisyong inihain ng Clear Air advocates sa Korte Suprema na atasan ang lahat ng cabinet officials at empleyado ng pamahalaan na bawasan ang kanilang fuel consumption ng 50 porsiyento.
Iyon nga lamang aniya ay kailangang unawain na mayroon din namang mga kinakailangang gampanan na tungkulin.
“Baka naman sa literal na translation niyang panukalang ‘yan, maantala rin naman ‘yung paghahatid ng serbisyo publiko. Baka naman po unawain din na ‘yung nagsisilbi sa pamahalaan ay mayroon na rin pong mga sakripisyong isinasagawa,” ang pahayag ni Sec. Coloma.
Sinabi rin nito na kailangan din ng masusing pag-aaral ang panukalang ito.
Kailangan din aniyang alamin kung ano ang implikasyon sa mga kasalukuyang batas at lokal na ordinansa para makatugon ang pamahalaan.
Kaya nga, hihintayin na lamang muna ng Malakanyang kung paano ito tatanggapin at pagpapasyahan ng Korte Suprema.
The post Gov’t officials puwedeng maging ordinaryong mananakay appeared first on Remate.