MAG-INA at hindi magdyowa ang inambus ng riding-in-tandem habang sakay ng taxi sa kahabaan ng Quezon Memorial Circle, malapit sa Visayas Avenue, Quezon City kaninang umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-10 ng umaga nang tinapatan ng hindi nakilalang mga suspek ang sinasakyang Valentino taxi (UVC 167) ng mag-inang sina Marj at Edmond Reyes na galing sa kanilang hearing na carnapping sa QC-RTC.
Lumalabas na positibong miyembro ng Mark Lester Carnapping Group ang dalawa ayon na rin sa pagkumpirma ng kanilang kamag-anak.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post UPDATE: Inambus sa QC, mag-inang carnapper appeared first on Remate.