ISANG prominenteng abogado at dalawa pa ang nasawi makaraang tambangan ng hindi pa kilalang suspek sa Brgy. Coro, Dalaguete, Southern Cebu kaninang hapon, Pebrero 8.
Bandang alas-2:00 ng hapon nang maganap ang ambush kung saan pabalik na sana ang biktimang si Noel Archival sa Cebu City makaraang dumalo sa hearing na may kaugnayan sa drug case sa Dumaguete.
Ayon kay Nestor, kapatid ng biktima at konsehal sa Cebu City, kasamang nasawi ni Archival ang driver nito at bodyguard.
Sinasabing dalawa pa ang nadamay sa naturang pananambang na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Si Archival ay isang criminal lawyer sa Cebu na kalimitang humahawak ng mga kasong may kaugnayan sa droga.
The post UPDATE: Abogado, bodyguard at driver todas sa ambush appeared first on Remate.