SINUSPINDE na kanina, Pebrero 18, ng 30 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Antonina Bus na nasangkot sa madugong aksidente sa Libmanan, Camarines Sur na ikinamatay ng limang katao noong nakaraang linggo.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, naipadala na nila ang suspension order sa pamunuan ng Antonina Bus para pagbawalan ang 19 na unit nito na makabiyahe.
Nilinaw naman ni Ginez na ang nasalpok na unit ng Antonina bus na Elavil Bus ay pagpapaliwanagin ng ahensiya sa gagawing public hearing kaugnay ng aksidente sa Marso 4,2014.
Sa imbestigasyon ng LTFRB CamSur, binangga ng unit ng Antonina bus ang unit ng Elavil bus sa nabanggit na lugar.
Isasailalim naman sa road worthiness test ang mga unit ng Antonina bus sa LTO para makilatis kung maaaring pumasada ang iba pang mga sasakyan ng naturang bus company at sasailalim naman sa drug test ang mga driver nito.
The post Bus na nasangkot sa aksidente sa Camsur sinuspinde appeared first on Remate.